Ang Background.

Katulad ng karamihan na mga bagong migrate sa bagong bansa,
hindi kagad ako nakapasok sa linya na alam ko
o kinababaran ko na ng isang dekada.

In fact, sobrang layo ng una kong trabaho dito
sa trabaho ko sa pinas (na nakuha ko na ngayon)

pero ayus lang.
Ang trabaho ay trabaho,
at ang pera ay pera.

Ang mahalaga eh meron kang pangkain,
pangpamilya at alam mo kung pano ka makakabalik
sa gusto mong career.

Alam din ng mga katrabaho ko sa unang work na
temp work lang ang pinasok ko
habang naghahanap ng tamang trabaho.

Minsan eh nagdinner kaming mga officemate.

Officemate: Hey badong, what’s your background?
(uy pagkakataong mag-bida, baka may makuhang racket)

Badong: I’m a seasoned project manager that is adept in new technology.
In fact i’ve had roles that demand solid business acumen as well as roles
that require hands on development.
(hayup, parang header sa resume)

Officemate: wow …. I meant what’s your nationality?

7 Tugon to “Ang Background.”

  1. imagine mo kung sa pa-kodakan mo yan binanggit. :P
    “ah. floral?”

  2. hahaha, ayos sa banat sa hulihan natawa ako. lalim na ng usapan eh.

    well tama ka, marami ang nag-a-abroad pero naiiba ang linya sa mga unang taon. hay.. napapaisip tuloy ako kung ano naman kaya ang gagawin ko, pag ako naman ang mangingibang bansa. (malamang chamber maid, tao sa video o pet shop, tas pwede ring taga-pulot ng kalat sa sinehan).

    mabuhay at nakamit mo ang iyong pangarap! importante din yung journey kung paano mo nakuha iyong dream mo di ba?!

  3. btw, thanks nga pala sa pag-a-add sa akin sa blogroll mo. ikaw rin meron kana sa akin. natutuwa kasi ako sa mga posts mo. mabuhay!

  4. May background background pa kasing nalalaman eh. May sariling category yan si Badong, “Tarantado”. :P

Mag-iwan ng Tugon