Bahing at ubo

Isa sa mga mahalagang napick up ko dito eh
ay ang tamang pagbahing o pagubo
hindi ako row 4 sa gmrc dati
pero iba lang talaga ang diskarte natin sa pagbahing
yan din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit
mabilis kumalat ang sakit sa atin.

Ang mga alam kong mga paraan natin sa pagbahing:

Bulgar:
Heto iyung mga bumabahing at umubo na lang sa ere.
Maski saan
maski asa mga siksikan na lugar
siguro iniisp nila na purkit napipikit sila pagkanagsneeze
eh di na sila nakikita ng ibang tao
aliw to nuong bata ka pa, lalo na kung bumahing ka sa pader
kasi parang may constellation
pero pagkamatanda ka na eh bastos na ang tawag sayo.

Sigurista
Heto iyung mga bumabahing na nakatakip ang dalawang
kamay ang bibig. Para bang nagdadasal.
Sigurista to kasi walang laway at ano mang elemento ang lumalabas
para talagang sigurado eh madalas kinakaskas nila ang dalawang
kamay para kumalat ang basa saka pasimpleng ipapahid sa pantalon.

Courteous
Heto madalas natin to nakikita. Actually ganito ang gamit ko nuon pa.
Heto iyung mga nakaclench iyung fist na parang mananapak tapos
ilalapit ang kamay sa bibig na parang kumakanta.
Ang paraan ko nuon dati eh nakasandal ang thumb sa may lower lip
sabay uubo or babahing sa lubo ng kamay.
Pagkatapos umubo eh usually ititklop ang kamay sa magkabilang
gilid ng dibdib habang iniipit ang dalawang palad sa magkabilang kili kili.
Hehehehe.

Ayun sa turo dito
ang tamang paraan pala eh ang pagbahing sa shoulders o kaya eh pagbahing sa may elbow.

image from mommylife.net
image from mommylife.net

Ito ay dahil mas madalas mong ipanghawak ang kamay mo kaya mas mabilis syang kumalat kung meron ka mang sakit. At saka kung sa shoulders eh mas less likely na babahing ka sa kausap mo.

Iyung sa elbow naman eh para kung may laman, mabilis madudurog.
Loko lang.
Pero tama sila.

9 Tugon to “Bahing at ubo”

  1. sigurista akong humatsing

    sinisigurado kong sobrang hina ng tunog
    kasi baka layuan ako ng tao.

    uso pa naman swine flu.

    ehhehehe

    hahahaha natatawa ako sa elbow parang ang hirap.
    sa kilikili na lang sana bumahing para mag-away ang mga virus
    heheheh

  2. babahing na lang ako sa elbow ng katabi ko.

  3. cheche Sabi ni:

    e kaya lang, kung nakalong sleeves ka, mahirap sa elbow bumahing… dahil kung malutong ang bahing, baka biglang magka-mapa ang manggas. mahirap hugasan or labhan yun sa cr! nyahaha!

  4. wow dagdag knowledge ito a. sige susundin ko yan ng bonggang-bongga. eh kasi napapaisip ako. eh paano kung sa bilis ng pagbahing ko at elbow ang ginamit ko, eh masiko ko naman ang katabi ko.

    alin siya mas mababanas- bumahing ako ng di natakpan o bumahing ako at nasiko ko siya? hehehe… wala lang.

    sige susundin talaga kita.

  5. para hindi ka mahirapan
    subukan mong magpractice bumahing ng nakangiti
    para kung ano mang style ang gawin mo
    di sya mapipikon sayo
    subukan mo

  6. ako ‘pag babahin sinasalo ko ng dalawang palad sa harap ng bibig at ilong(in a prayerful hindu hand pose). sigurado ito para ‘pag may lamang-ilong o lamang-bibig na tatalsik, masasalo ng mga palad ko. matapos ang konting diin at himas ng mga palad sa nasalong laman, ipapahid ko ito sa gilid ng aking buhok, a la aga muhlach sa bagets 1>> INSTANT GEL!

Mag-iwan ng Tugon