Upong Sakto Lang
Universal and siksikan
Actually, maski dito sa canada eh uso ang siksikan
Pero syempre, ang masikip dito eh ay langit kumpara
sa upong 10 piso lang sa atin (kung fx)
kulang sa training ang mga tao dito sa upong
sakto lang.
Siguro din dahil walang barker na
Kumakatok sa likuran pagkamabagal kang umurong
oh heto, para mga upong bigtime at sa mga hindi
maalam ng SOP pagdating sa upong pasahero
Kunwari nakasumbrelo at pink na stripe ka na sasakay sa jeep
ganito malamang ang itsura mo

Dito, kung pang 12 lang ang upuan
12 lang ang nakaupo

pero syempre,
maraming times na hindi lang pangisang tao ang naooccupy nga mga pasahero
lalo na dito
malamig
di pinagpapawisan
medyo … marami rami ang hebigat
ang pang 12 na upuan, minsan pang 10 na lang
sa gayun, malaki ang pangangailangan ng upong sakto
maski saan.
ganito ang upong sakto:

upong sakto hindi dahil sakto lang ang dami ng
tao sa capacity ng silya
upong sakto dahil sakto lang ang tuhod mo sa tuhod ng katapat mo
kung titignan mo ang drawing eh simple lang ang patakaran
kung in ang katabi mo, out ka sa silya
yan lang ang paraan na magkakasya kayo.
hindi lang sa jeep yan.
ganito itsura ng upong sakto (in and out)
sa taxi

taxi na kasya ang 7 tao sa pang limahang sasakyan
ganiton naman sa fx

kita mo naman
in and out sa likod
in and out sa gitna
in and out sa harap
simple
sakto
Hunyo 30, 2009 Sa 10:17 hapon
ayos sa drawing at kwento naaliw ako. hehehe
tunpak ka dyan… in and out nga ang set up sa mga pangsaktong sasakyan. sa atin kasi, may mga bagger driver, ipagsisiksikan talaga ang mga pasahero kahit hindi na magkasya. pero siempre hindi naman natin sila basta masisisi kais biz nila yun.
pero ang pinakaayaw ko ay bus na ordinary. sobrang adventure at roller coaster ang ride. sardinas sa loob-puno na pinupuno pa. tas yung paandar, wahhh mapapadasal ka.
mabuhay po!
Hunyo 30, 2009 Sa 10:23 hapon
haha
tama ka dyan hitokirihoshi
di ko alam kung inabutan mo yon,
pero walang tatalo sa JD na bus.
yan iyung lawanet lang iyung bus.
parang tumatakbong kabaong
tapos pagkasobrang luma na iyung bus
eh nagwawarp na iyung bintana kaya di mo na maisara
Hunyo 30, 2009 Sa 10:26 hapon
tingin ko mayroon pa niyan… hehehe grabe yung ambiance. aakalain mo ganito na ba kaawa-awa ang transpo ng Pinas. sumasakay kasi dun dati para mabilis.
eh kaso naisip ko FX na lang ako… mahal ko pa buhay ko. hehehe
pero may magaganda naman ng ordinary bus. namimili na lang ako pag kailangan na talaga
Hunyo 30, 2009 Sa 10:29 hapon
uu, sa may coastal ata may nakikita pa ko dati
sinasakyan ko yun papuntang tagaytay dati eh
sa lrt panalo din sumakay
pagbaba mo ng ng istasyon eh pare parehas na kayo ng amoy
Hunyo 30, 2009 Sa 10:51 hapon
hahaha korek sa LRT at mRT pamatay ang umaga mo pag rush hour na talaga.
dati akala ko sa movie lang yung halos sumalaksak na yung mukha mo sa salamin. nangyyari pala yun. nakakaloka
Hunyo 30, 2009 Sa 11:19 hapon
ang ginagawa ng mga operator ng lrt at mrt
eh biglang pumipreno.
para matagtag iyung mga tao
para pwede pang isaksak iyung papasok sa susunod na station