Kung ang buhay ay beerhouse

Beer
maraming paralelism sa iba’t ibang bisyong laganap sa ating mga pinoy.
yan, nagegeneralize na muna ako.
pero basa lang, malay mo may madampot ka

  1. Lahat ng tao disiplinado. Kasi alam ng lahat kung kailan magkukwentuhan, at alam kung kailangan lang makikinig (at manunuod)
  2. Walang chismis. Kasi wala kang pakialam sa kapitmesa mo.  Ang attentioni mo ay nakabaling lang sa mga kasama mo at sa nasa palabas
  3. Lahat ng musica maganda. Kasi maski ano pa ang isasalang, mapapaindak at matutunan mong gustuhin. Maski sa paguwi eh malamang kinakanta mo pa kasama sound effects (kablag! kablag! kablag!)
  4. Laging meron kang maasahan. Maski gaano kaingay ang mundo, maski gaano kalakas ang patugtog, kung naisin mong umiwas at matahimik sa banyo, makakaasa kang may hot towel at masahe na nagiintay sayo.
  5. Mayaman ka sa payo. Lalo na kung di ka makaisip, laging may mamasan na gagabay sa pagpili mo.
  6. Kuntento ka kung ano meron ka. Dahil maski hindi malamig ang beer mo, tatakpan mo ang baso kung lalaglagan ito ng yelo.

9 Tugon to “Kung ang buhay ay beerhouse”

  1. Nak nang… 6.5 ba ito, at salamin ko pa ata yung naligaw dun sa litrato?

  2. hindi ata
    sa stonehouse yan, sa may e-rod

  3. Ay oo nga. Pero salamin ko yan, sigurado ako. Beer ko din yan, ako l ang naman nagi-strong ice saten eh.

    Sikat na ako, nakita na sa blog na ito ang salamin at beer ko. LOL

  4. Mukhang hindi pa naubos ni pareng ambush na yan ang Strong Ice beer na yan. Pero ok lang, sa inuman, ang nabibilang lang yung natira hindi yung naitumba. Kase laging kinukuha ng waiter yung ubos na so mahirap magbilang.

    Teka, na-off-topic na tuloy…

    Dagdag lang sa no. 5 – Minsan kase kahit nag-payo ang mamasan, umiiral pa rin ang ‘kutob’ – na parang ok pa rin yung nasa kanan o nasa likod ng napili nya. Maliban na lang kung dumating ka na wala ka na sa ulirat – na mali namang diskarte kung ayaw mong ma-lugi sa pag-pili o pag-bayad sa serbisyo. Kaya sa no.5 – baka kailangan lamang ng dagdag – “mamasan is not always right”.

    Or sa no.6 – hindi lamang saklaw neto ang beer na hawak, ngunit pati ang nakuha o nabigay sa yong mga kasama – kasama sa mesa o kasamang kaibigan sa inuman. Maihahambing natin ang mga tunay na manginginom at mga “wanna partee” people lang – yung mga manginginom walang pakialam kung sinu-sino ang mga kasama nya – kesyo wala o meron – gagamitin na lang ng lubos kung ano meron, at tutungga. Sa mga “wanna partee” people – hindi mapapa-kali ang mga yan hangga’t hindi na-te-text at nagdadatingan ang mga ka-tropa nila. KAya ang ingay ng mesa na ‘to. Parang gusto mo nang labagin ang no. 1 at no. 2. (Pero hindi lang tsismis sa no. 2, pananakit na ang ibibigay – ahem, peace out).

    Mabuhay at mapulang pagbati sa iyo, kaibigan! (Hep hep…!)

  5. Ayun nga. Kaya ayaw kong ikaw ang mag-aabot ng yelo sa akin.

    Peace out!

Mag-iwan ng Tugon