Ahit pogi, ahit chaneh
May mga taong mas naabsorb ang pinapakinggan kung merong inaatupag ang mga daliri. Para syang kuyakoy para sa upper body mo.
Iyung iba eh nagpapaikot ng ballpen (na feeling drummer), iyung iba eh nagkakamot ng baba.
Ako naman eh nagbubutingting ng balbas.

- kumuha ng 2 bente singko
- Pagtabihin at ipang sipit
- Isa isahing magbunot ng balbas
Wala kang ginastos, may portable chaneh ka pa
Hulyo 15, 2009 Sa 11:22 hapon
hahahha. mai-suggest na ito sa mga kuya ko. wahahaha
ang problema lang eh baka naipangbayad na nila ng yosi o beer. wahehehe
ako mahirap eh… kailangan naka-concentrate sa pinakikinggan. lalo na pag audiobook siempre.
Hulyo 15, 2009 Sa 11:26 hapon
maski napangbili na, sa malamang alamang eh meron pa yang bente singko sa may tenga
Hulyo 16, 2009 Sa 12:00 umaga
Kaya pala yung pinambunot ko ng limang strand ng bigote ko, malagkit…
Binigay lang ng kapitbahay namin – eh ang lake ng tenga nun! Eh di ang dami nya ring…
Hulyo 16, 2009 Sa 12:03 umaga
ang magandang tanong duon eh
may kasama bang kulot na buhok?
lam mo naman, maski gano ka katuwid
may tinatago ka pa ring kulot
Hulyo 16, 2009 Sa 1:38 umaga
Wala namang buhok na involved. Pero yun nga, malagkit. Pero amoy malinis naman kase amoy Clorox….
oh noes.
Mod/s please delete.
Hulyo 16, 2009 Sa 7:31 umaga
nyahahahahahaha
wala ka bang naririnig na
“tatay! tatay!”
pagnilapit mo sa tenga mo iyung coin?
Hulyo 16, 2009 Sa 11:52 hapon
Meron, pero hindi exact words…”Otosan! Otosan!”.
Eh naalala ko may Hapon na dumalaw sa misis nya
Hulyo 17, 2009 Sa 12:08 umaga
nyayaya
yun lang
isipin mo na lang oreos yan
amoy chlorox in the outside,
muntik nang maging bata in the inside
Hulyo 18, 2009 Sa 9:14 umaga
Tanong ko lang – bakit mga biente singko ang gamit? Bakit hindi piso o singkwenta? May maayos na dahilan ba?
Sa Canada, ano ang gamit na proxy?
Hulyo 21, 2009 Sa 7:18 umaga
sakto lang kasi ang bente singko sa dalwang daliri
kung piso o limang peso eh dalwang kamay na gamit mo
para ka nang nagsisipit