Imbak para sa FX

Upong Sakto Lang

Posted in Listo Tips na may mga marka , , , , , on Hulyo 1, 2009 by badong

Universal and siksikan
Actually, maski dito sa canada eh uso ang siksikan
Pero syempre, ang masikip dito eh ay langit kumpara
sa upong 10 piso lang sa atin (kung fx)

kulang sa training ang mga tao dito sa upong
sakto lang.
Siguro din dahil walang barker na
Kumakatok sa likuran pagkamabagal kang umurong

oh heto, para mga upong bigtime at sa mga hindi
maalam ng SOP pagdating sa upong pasahero

Kunwari nakasumbrelo at pink na stripe ka na sasakay sa jeep
ganito malamang ang itsura mo

Upong Solo

Dito, kung pang 12 lang ang upuan
12 lang ang nakaupo

Sakto Lang na 12

pero syempre,
maraming times na hindi lang pangisang tao ang naooccupy nga mga pasahero
lalo na dito
malamig
di pinagpapawisan
medyo … marami rami ang hebigat
ang pang 12 na upuan, minsan pang 10 na lang

sa gayun, malaki ang pangangailangan ng upong sakto
maski saan.

ganito ang upong sakto:

SaktoTuhod

upong sakto hindi dahil sakto lang ang dami ng
tao sa capacity ng silya
upong sakto dahil sakto lang ang tuhod mo sa tuhod ng katapat mo

kung titignan mo ang drawing eh simple lang ang patakaran
kung in ang katabi mo, out ka sa silya
yan lang ang paraan na magkakasya kayo.

hindi lang sa jeep yan.
ganito itsura ng upong sakto (in and out)
sa taxi

SaktoTaxi

taxi na kasya ang 7 tao sa pang limahang sasakyan

ganiton naman sa fx

Sakto sa FX

kita mo naman
in and out sa likod
in and out sa gitna
in and out sa harap

simple
sakto